Skip to main content

Sino Ang Mas Mayaman: Alice Eduardo vs Kris Aquino

 Sino nga ba ang mas mayaman sa pagitan nina Alice Eduardo at Kris Aquino?

Si Alice Eduardo at ang Kanyang Net Worth

Si Alice Eduardo ay galing sa pamilya ng mga negosyante. Sa kasalukuyan, pinamamahalaan niya ang kanyang sariling kompanya na Sta. Elena Construction and Development Corporation. Kanya itong itinatag taong 1995. Ang Sta. Elena ay isa sa mga pinakamalalaking kompanyang nagtatayo ng gusali at iba pang structures sa Pilipinas.

Ang Sta. Elena ay kumita nang humigit-kumulang Php286 milyon ($5 million) noong 2021, kung kailan laganap pa ang pandemya. Ang Sta. Elena ay kasalukuyan ring nagtatayo ng isang township sa Taguig City; ang proyekto ay pinamumunuan ni Jacqueline, ang panganay na anak ni Alice Eduardo.

Si Alice Eduardo ay mayroon pang dalawang anak na nagngangalang Jameson at Jessica. Si Small Laude, isang sikat na YouTube vlogger, is kapatid niya. Gayundin sina Joel Eduardo at Melba Eduardo Solidum.

Si Alice Eduardo ay kakalipat lamang sa kanyang bagong tirahan na tinatawag niyang 'Sanctuary of Peace.' Ang kanyang tahanan ay idinisenyo ni Ed Ledesma, isang sikat na arkitekto. Italian travertine stones ang isa sa pangunahing materyales ni ginamit para sa kanyang bahay.

Si Alice Eduardo ay nagmamay-ari rin ng isang mansyon sa Beverly Hills, California. Binili niya ang nasabing ari-arian noon pang taong 2013 sa halagang Php473.38 milyon ($8.275 million). Siya, kasama ang kanyang mga anak, mga magulang, at iba pang kapamilya ay lumilipad patungong California para dito magcelebrate ng holidays.

Isa sa itinuturing niyang kaibigan si Mohamed Hadid na tanyag dahil sa kanyang mga ipinapatayong mansyon at hotel lalong-lalo na iyong mga nakatayo sa Bel Air.

Si Alice Eduardo ay mahilig sa mga mamamahaling kagamitan tulad ng mga sasakyang Rolls-Royce, Hermès bags, at mga damit mula sa kilalang brand na Gucci. 

Lingid sa kaalaman ng publiko, si Alice Eduardo ay mahilig rin sa mga painting at iba pang artworks. Kabilang sa kanyang art collection ay gawa nina Juan Luna, Jose Joya, Ang Kiukok, Vicente Manansala, Benedicto Cabrera, Romulo Galaciano, Romulo Olazo, Anita Magsaysay, Ramon Orlina, at iba pang kilalang manlilikha sa Pilipinas.

Si Alice Eduardo ay mayroon ring chinaware collection, at Royal Copenhagen Flora Danica ang paborito niyang brand. Ang lahat ng ito ay matatagpuan sa loob ng kanyang bagong tahanan.

Batid din ng lahat na si Alice Eduardo ay isang watch collector. Ang pinakauna niyang luxury watch ay ang two-tone Rolex Datejust at kalaunan ay bumili rin siya ng parehong modelo ngunit kuya gold at may president bracelet. Mayroon rin siyang Patek Philippe Nautilus at Aquanaut sa kanyang koleksyon. Ngunit, ang pinakapaborito niyang watch brand ay Richard Mille at meron siyang iba't-ibang modelo nito tulad ng RM-07, RM-037, at RM-067. Cartier, Audemars Piguet, at Roger Dubuis a ng iba pang bumubuo sa nasabing collection.

Taong 2018 nang siya ay hirangin bilang isa sa Forbes Asia's Heroes of Philanthropy. Mula noong 2014, si Alice Eduardo ay nagkakawanggawa at nakapagdonate na nang humigit-kumulang Php80 milyon ($1.386 million). Kanya itong ibinahagi sa iba't-ibang organisasyon at aktibidades. Mayroon siyang passion project, ang Hematology-Oncology Isolation Ward sa Department of Pediatrics sa Philippine General Hospital’s (PGH).

Bukod sa pagiging pilantropo, isa rin si Alice Eduardo sa mga masugid na tagasuporta ng Philippine Center for Entrepreneurship’s Go Negosyo. Ang programang ito ay naglalagayong tulungan ang mga kababaihan na nais magnegosyo. Ibinabahagi ni Alice Eduardo ang kwento ng kanyang buhay bilang isang negosyante at upang magsilbing inspirasyon sa kanila.

Sa kasalukuyan, si Alice Eduardo ay may net worth na Php1.144-2.86 bilyon ($20-50 million).


Si Kris Aquino at ang Kanyang Net Worth

Si Kris Aquino ay kilala bilang talk show and game show host dahil sa husay niya sa larangan ng hosting. Isa rin siyang aktres, manunulat, producer, at negosyante. Kinikilala rin siya bilang 'Queen of All Media' sa Pilipinas. 

Si Kris Aquino ay hinirang ring 'Box-Office Horror Queen' dahil sa mga pelikula niyang may horror/thriller na tema tulad ng Feng Shui at Sukob.

Noong 2018, ginampanan niya ang karakter ni Princess Intan sa Hollywood film na Crazy Rich Asian.

Taong 2013, inilunsad ni Kris Aquino ang sarili niyang production company na kilala sa tawag ritong K Productions. Ito ay subsidiary ng Star Cinema.

Pinasok rin ni Kris Aquino ang pagnenegosyo tulad ng restaurants at fast food outlets. Pagmamay-ari rin niya ang Nacho Bimby at ilang outlets ng Potato Corner. Isa rin siyang franchisee ng Chowking at Jollibee. Ang mga negosyong ito ay tunay na nakapagdadag sa kanyang yaman.

Si Kris Aquino ay isa sa mga itinuturing na pinakaepektibong endorser sa Pilipinas. Siya ay nakapag-endorse na nang daan-daang produkto. Ang mga endorsement na ito ay lalo pang nakapagdagdag sa kaban ng kanyang yaman.

Si Kris Aquino ay galing sa pamilya ng politiko, ang mga Aquino. Ang kanyang mga magulang ay sina Benigno "Ninoy" at Corazon Aquino. Ang kanyang kaisa-isang kapatid na lalaki, si Noynoy, ay naging presidente rin ng Pilipinas tulad ng kanilang ina. Si Kris Aquino ay mayroong dalawang anak, sina Joshua at Bimby.

Si Kris Aquino ay isang sa mga pinakamayayamang celebrity sa bansa. Siya ay tuwinang napapabilang sa listahan ng highest top taxpayers. Noong taong 2021, siya ay nagbayad ng buwis na nagkakahalaga ng Php54 million ($.99 million).

Noong Disyembre 2020, ibinenta ni Kris Aquino ang kanyang bahay sa Greenmeadows, Quezon City. Mayroon siyang bahay na pagmamay-ari sa Houston, Texas.

Si Kris Aquino ay may koleksyon ng mamahaling bags tulad ng Hermès, Chanel, at Louis Vuitton. 

Sa kasalukuyan, si Alice Eduardo ay may net worth na Php688 milyon ($12 million).


Samakatuwid, si Alice Eduardo ay higit na mas mayaman kay Kris Aquino.

Comments

Popular posts from this blog

Sino Ang Mas Mayaman: Alice Eduardo vs Gretchen Barretto

Sino nga ba ang mas mayaman sa pagitan nina Alice Eduardo at Gretchen Barretto? Si Alice Eduardo at ang Kanyang Net Worth Si Alice Eduardo ay galing sa pamilya ng mga negosyante. Sa kasalukuyan, pinamamahalaan niya ang kanyang sariling kompanya na Sta. Elena Construction and Development Corporation. Kanya itong itinatag taong 1995. Ang Sta. Elena ay isa sa mga pinakamalalaking kompanyang nagtatayo ng gusali at iba pang structures sa Pilipinas. Ang Sta. Elena ay kumita nang humigit-kumulang Php286 milyon ($5 million) noong 2021, kung kailan laganap pa ang pandemya. Ang Sta. Elena ay kasalukuyan ring nagtatayo ng isang township sa Taguig City; ang proyekto ay pinamumunuan ni Jacqueline, ang panganay na anak ni Alice Eduardo. Si Alice Eduardo ay mayroon pang dalawang anak na nagngangalang Jameson at Jessica. Si Small Laude, isang sikat na YouTube vlogger, is kapatid niya. Gayundin sina Joel Eduardo at Melba Eduardo Solidum. Si Alice Eduardo ay kakalipat lamang sa kanyang bagong tirahan na...