Skip to main content

Sino Ang Mas Mayaman: Alice Eduardo vs Gretchen Barretto

Sino nga ba ang mas mayaman sa pagitan nina Alice Eduardo at Gretchen Barretto?

Si Alice Eduardo at ang Kanyang Net Worth

Si Alice Eduardo ay galing sa pamilya ng mga negosyante. Sa kasalukuyan, pinamamahalaan niya ang kanyang sariling kompanya na Sta. Elena Construction and Development Corporation. Kanya itong itinatag taong 1995. Ang Sta. Elena ay isa sa mga pinakamalalaking kompanyang nagtatayo ng gusali at iba pang structures sa Pilipinas.

Ang Sta. Elena ay kumita nang humigit-kumulang Php286 milyon ($5 million) noong 2021, kung kailan laganap pa ang pandemya. Ang Sta. Elena ay kasalukuyan ring nagtatayo ng isang township sa Taguig City; ang proyekto ay pinamumunuan ni Jacqueline, ang panganay na anak ni Alice Eduardo.

Si Alice Eduardo ay mayroon pang dalawang anak na nagngangalang Jameson at Jessica. Si Small Laude, isang sikat na YouTube vlogger, is kapatid niya. Gayundin sina Joel Eduardo at Melba Eduardo Solidum.

Si Alice Eduardo ay kakalipat lamang sa kanyang bagong tirahan na tinatawag niyang 'Sanctuary of Peace.' Ang kanyang tahanan ay idinisenyo ni Ed Ledesma, isang sikat na arkitekto. Italian travertine stones ang isa sa pangunahing materyales ni ginamit para sa kanyang bahay.

Si Alice Eduardo ay nagmamay-ari rin ng isang mansyon sa Beverly Hills, California. Binili niya ang nasabing ari-arian noon pang taong 2013 sa halagang Php473.38 milyon ($8.275 million). Siya, kasama ang kanyang mga anak, mga magulang, at iba pang kapamilya ay lumilipad patungong California para dito magcelebrate ng holidays.

Isa sa itinuturing niyang kaibigan si Mohamed Hadid na tanyag dahil sa kanyang mga ipinapatayong mansyon at hotel lalong-lalo na iyong mga nakatayo sa Bel Air.

Si Alice Eduardo ay mahilig sa mga mamamahaling kagamitan tulad ng mga sasakyang Rolls-Royce, Hermès bags, at mga damit mula sa kilalang brand na Gucci. 

Lingid sa kaalaman ng publiko, si Alice Eduardo ay mahilig rin sa mga painting at iba pang artworks. Kabilang sa kanyang art collection ay gawa nina Juan Luna, Jose Joya, Ang Kiukok, Vicente Manansala, Benedicto Cabrera, Romulo Galaciano, Romulo Olazo, Anita Magsaysay, Ramon Orlina, at iba pang kilalang manlilikha sa Pilipinas.

Si Alice Eduardo ay mayroon ring chinaware collection, at Royal Copenhagen Flora Danica ang paborito niyang brand. Ang lahat ng ito ay matatagpuan sa loob ng kanyang bagong tahanan.

Batid din ng lahat na si Alice Eduardo ay isang watch collector. Ang pinakauna niyang luxury watch ay ang two-tone Rolex Datejust at kalaunan ay bumili rin siya ng parehong modelo ngunit kuya gold at may president bracelet. Mayroon rin siyang Patek Philippe Nautilus at Aquanaut sa kanyang koleksyon. Ngunit, ang pinakapaborito niyang watch brand ay Richard Mille at meron siyang iba't-ibang modelo nito tulad ng RM-07, RM-037, at RM-067. Cartier, Audemars Piguet, at Roger Dubuis a ng iba pang bumubuo sa nasabing collection.

Taong 2018 nang siya ay hirangin bilang isa sa Forbes Asia's Heroes of Philanthropy. Mula noong 2014, si Alice Eduardo ay nagkakawanggawa at nakapagdonate na nang humigit-kumulang Php80 milyon ($1.386 million). Kanya itong ibinahagi sa iba't-ibang organisasyon at aktibidades. Mayroon siyang passion project, ang Hematology-Oncology Isolation Ward sa Department of Pediatrics sa Philippine General Hospital’s (PGH).

Bukod sa pagiging pilantropo, isa rin si Alice Eduardo sa mga masugid na tagasuporta ng Philippine Center for Entrepreneurship’s Go Negosyo. Ang programang ito ay naglalagayong tulungan ang mga kababaihan na nais magnegosyo. Ibinabahagi ni Alice Eduardo ang kwento ng kanyang buhay bilang isang negosyante at upang magsilbing inspirasyon sa kanila.

Sa kasalukuyan, si Alice Eduardo ay may net worth na Php1.144-2.86 bilyon ($20-50 million).


Si Gretchen Barretto at ang Kanyang Net Worth

Si Gretchen Barretto ay nagmula sa kilalang pamilya sa showbiz. Ngunit, maraming nagsasabi na siya diumano ang kauna-unahang artista sa pamilya. Nagsimula siyang mag-artista nang siya ay 14 na taong gulang pa lamang. Siya ay kilala bilang isa sa pinakamagagandang mukha sa industriya ng show business sa Pilipinas. Sina Marjorie Barretto at Claudine Barretto ay pinasok rin ang pag-aartista. Siya ay tiyahin ng isa pang pang sikat na Barretto, si Julia Barretto.

Si Gretchen Barretto ay may anak na nagngangalang Dominique Cojuangco. Siya ay unica hija nila ng kanyang long-time partner na si Tonyboy Cojuangco. Iniwan niya ang pag-aartista upang magfocus sa kanyang pamilya at kanilang mga negosyo. Ang kanyang partner ay nagmamay-ari ng Associated Broadcasting Network (ABC 5). Kung kaya't itinuturing silang isa sa wealthiest couples sa bansa.

Kamakailan lang, si Gretchen Barretto ay nagtayo ng kanyang sariling game farm. Siya ang tinulungan ng kanyang itinuturing na mentor na si Atong Ang. 

Si Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco ay nagmamay-ari ng dalawang mansyon na matatagpuan sa loob ng executive villages sa Makati, partikular sa Forbes Park and Dasmariñas Village. Si La Greta, kung tawagin ng kanyang mga kaibigan, ay mayroon pang isang pagmamay-ari sa Tagaytay Highlands. Ang naturang property ay tinatayang nagkakahalaga ng Php65 milyon ($1.136 million). 

Si Gretchen Barretto ay mahilig sa mamahaling alahas, at mayroon siyang koleksyon ng South Sea pearls. Ilan sa kanyang mga alahas na perlas ay nagkakahalaga ng Php8 milyon (halos $140,000). Siya ay itinalaga bilang ambassadress/muse ng Karat World and Jewelmer, mga kilalang kompanya ng alahas sa Pilipinas. 

Siya rin ay nagmamay-ari ng mamahaling bags. Sa kanyang walk-in closet tour noong 2019, ipinakita niya ang kanyang mamahaling luxury bags mula sa Dolce & Gabbana, Gucci, Louis Vuitton, at Goyard. Ngunit, ang kanyang prized possessions ay ang kayang Hermès Birkin and Kelly bags. 

Sa kasalukuyan, si Gretchen Barretto  ay may net worth na Php52.2-286 milyon ($1-5 million).


Samakatuwid, si Alice Eduardo ay higit na mas mayaman kay Gretchen Barretto.



Comments

Popular posts from this blog

Sino Ang Mas Mayaman: Alice Eduardo vs Kris Aquino

  Sino nga ba ang mas mayaman sa pagitan nina Alice Eduardo at Kris Aquino? Si Alice Eduardo at ang Kanyang Net Worth Si Alice Eduardo ay galing sa pamilya ng mga negosyante. Sa kasalukuyan, pinamamahalaan niya ang kanyang sariling kompanya na Sta. Elena Construction and Development Corporation. Kanya itong itinatag taong 1995. Ang Sta. Elena ay isa sa mga pinakamalalaking kompanyang nagtatayo ng gusali at iba pang structures sa Pilipinas. Ang Sta. Elena ay kumita nang humigit-kumulang Php286 milyon ($5 million) noong 2021, kung kailan laganap pa ang pandemya. Ang Sta. Elena ay kasalukuyan ring nagtatayo ng isang township sa Taguig City; ang proyekto ay pinamumunuan ni Jacqueline, ang panganay na anak ni Alice Eduardo. Si Alice Eduardo ay mayroon pang dalawang anak na nagngangalang Jameson at Jessica. Si Small Laude, isang sikat na YouTube vlogger, is kapatid niya. Gayundin sina Joel Eduardo at Melba Eduardo Solidum. Si Alice Eduardo ay kakalipat lamang sa kanyang bagong tirahan na...